Monday, November 29, 2004

pagbubulay-bulay

------Pagbubulay-bulay

sa klase sa matematika, sa ating dalawa at sa Picure na aking hawak-hawak-----



ikaw, ako, at ang picture natin

Ang aking tutukuyin

Sa tulang itong medyo di

Makahabag damdamin

Sa araw na itong ako’y bitin na bitin.


Kaw ngayon ay nasa eskuwela

Ako nama’y may klase sa matematika

Ngayon ako ay nalilito sa synthetic division

Kasi ang nasa isip ko ay ang ating pagkadivision


Miriam sa Assumpta

Cabanatuan sa Manila

Kung ngayo’y magbibiyahe ka’y apat na oras na

Ngunit sa picture nati’y tayo’y magkasama


Ikaw ngayon ang aking iniisip

Kagabi nga ikaw din ang nasa panaginip

Namimiss ko na ang iyong mata

Na sa litrato di ko Makita


Ako ay nagiti ng walang dahilan

Nakita ako ni maam at pinagmulatan

Natawa na lang ako sa aking sarili

At pakiramda’y di mapakali


Sa picture tayo’y magkasama

Aking tinanong mauulit pa?

Biglang namulat sa aking isipan baka hindi na


May lungkot na sumagi sa aking isipan

Baka hindi na tayo magkita’t

Magkasama


Magpaganon pa ma’y

may hatid pa ding ligaya

na kahit papaano’y ika’y nakasama


tayo ngayo’y magkahiwalay

may iba’t-ibang kasama

may kanya-kanyang obligasyon

subalit ang ating ngiti sa

picture na aking hawakhawak

ay di mawawala,--- tayo’y magkasama


- Sk8ter Boi

- Jan. 28’ 04


0 Comments:

Post a Comment

<< Home