My Highschool Graduation
Graduation 04
Sa unang pagkakataon, sa apat na taong pananatili ko sa
seminaryo ay ngayon lang ako nakadama ng ganitong kasiyahan at kalungkutan.
ngayon lang ako hindi nagbutas ng upuan, my last
3 years kasi ay hindi ako nakakakuha ng awards
dahil mayroon akong mga kaso. These are the product of all my sacrifices 1.Best baby thesis presenter(DYSLEXIA:general
Knowledge on this scarce disorder and its effect on human stability) 2.community
Service award(sports beadle,sub.general beadle,vice
Class beadle, official photographer and dorm beadle) 3.3rd
Honorable mention(top 5 ako sa klase)
masayang masaya ako habang tinatawag ang aking pangalan. 1st time ko pa lang
kasi ako narecognize sa seminary. subalit magkaganoon paman ay alam ko na hindi
ano pa mang awards ang sukatan ng isang tao. ang tunay na sukatan ay kung
papaano ka nagbago at kung ano ang iyong natutuhan. ito ay isang katotohanan na
may ilan-ilang nakakatangap ng mga parangal na di naman karapat-dapat. ang isang
taong natutong magmahal at pahalagahan ang mga bagay na dumarating sa kanyang
buhay ang tunay na marangal.
masaya ang lahat, lalo na ang mga parents na nakapagpatapos ng kanilang mga
anoak sa seminaryo. ako naman ay may halong lungkot na nadarama. totoong tapos
na ang aking paghihirap sa seminaryo subalit tapos na din ang aking seminary
life. Hind na ako seminarista
madami nang priviledges yet maraming mawawala sa akin at ang mga ito'y mga bagay
na nakasanayan ko nang gawin. wala nang araw-araw na misa, rekoleksiyon,
confession, benediction, morning/evening/night prayers, masungit na pari,
masungit na teacher, maruming dorm, malamig na audi, makalat na rek hall,
mahangin na klassroom, maaangot na CR, bisayang tindera sa canteen,at hindi na
din ako waiter(kahit di naman talaga),dishwasher, tagalinis ng Pedro Calungsod
recreational hall, Referee sa basket ball, taga tago ng bola, taga hiyaw sa
maingay, tagalista ng maingay, terror sa lower years, at kung ano ano pa. wala
na ding sangkan, deparatamental intrams,community intrams, DYD, CYD, DVD, wala
na din yung patambay tambay sa Guard house, sa kiosk, sa cursillo,at sa lobby.
ang mga bagay na ito ang aking hahanap hanapin sa aking buhay.
madami talagang mawawala yet sa lahat ng mga mawawala, mananatili pa din ang mga
memories. ang mga memories na ito ang magiging daan upang mapanatiling sariwa
ang mga malulungkot at masasayang karanasan ko sa seminaryo.
Tapos na ang gradwasyon. nagkakainan na ang lahat,nagbibidahan at nagsiuwi. hind
ako sumabay sa pag uwi sa aking mga magulang. habang ako ay naglalakad-lakad ay
hindi ako makapaniwala na tapos na ang highschool ko at ang pagiging
seminarista."kahit ano ang mangyari ay matatapos din ang lahat" ito ang
aking natutuhan sa gradwasyong ito.
Highschool life ang pinakamasaya although it only lasted for 4 years (repeater
Excluded) ang seminary life ang aking pundasyong dadalhin sa panibagong yugto ng
aking buhay..
xsem.marlon
david
-------wala sa graduation ko ang aking pinakamamahal, kaya sa grad. niya...
pupunta ako!-------


0 Comments:
Post a Comment
<< Home