Monday, November 29, 2004

My 18th birthday at seminary

Ang aking 18th b-day

Ang Aking

berthdey ’04 (18th )


Pagmulat ng aking mata,BOOM!!! Hindi na ako Minor.!!!

“Lon-Lon its ur bertdey gonna

party coz its ur bertdey. Puwede na sa Bar at sa R-18 na movie, pwede na din mag

check_in o mag DJ Myx, coz its ur bertdey dapat masaya ka at kahit hindi

lumalake ay gumaguwapo naman kase it is ur bierdey”


Generally, masaya talaga ang araw na ito subalit gaano pa man kasiya ay may

kalungkutan pa din. Mayroon pa ding kulang, mayroon pa ding bumabagabag sa aking

isipan.


Maga pa lamang ay masaya na ako, Aba! Siyempre yung misa ay para sa akin tapos

ang nagpreside pa ay si Fr. Robert. Yung mga brother seminarians ko ay binati

ako tapos pagkatapos ng misa ay tinugtugan pa ako ni Ralph sa organ. Nakakataba

talaga ng puso, feeling ko ba ay ang the best community ay ang community ko sa

Ma. Assumpta. Yung mga kaeskuwela ko naman ay tahimik na tahimik dahil malas ang

BERTDEY KO SA SEMINARYO. Bakit malas??? Ganito un. 1--- 1st year ako:

napagalitan ako ni Fr. Robert dahil habang nagstustudy period ay napaka ingay ko..

nag hahabulan kami ni Leo sa Klassroom. 2---2nd year ako: suspended ako noon

eh!.. kung bakit??? Sekreto! Kung kaclose kita eh alam mu kung bakit di ba mga

kakosa??

3--- 3rd year ako: Lahat kaming magkakaeskuwela ay binilad ni Fr. Robert sa init

ng araw sa may Basketball court. Lakas ng araw tapos nga eh biglang Ulan!! Nung

hapon halos lahat kami ay may lagnat! Harhar… si Carmelo

windowtext"> nga ay ang daming Hotdog na ibinalik mula sa pagkakakain.


At ngayong 4th year naman ay hindi ko mai identify

kung ano ang malas sa akin. Pero siguro nung

nagkagalit kami ni sir Avendano at pasahan na nang thesis kinabukasan at saka

_______( mamaya na lang)ang mga malas sa akin.


Habang nagklaklase ay masaya talaga! Kaya lang may Quiz pa sa Physics…

Harhar(nag open notes ako) o di ba ang laking kasalanan??.. pero na Karma naman

ako dahil naka 32/60 lang ako. Kahit papaano ay may pamirienda naman ako sa mga

classmates ko. Ang SAMA lang pa despidida ko na din saw yoon… HmMmP! Nung hapon

ay nag exam kami sa C.A.T. last na naming punta yoon sa C.I.C. hay nakakalungkot

kasi nakakamiz ung mga bayabas sa may likuran at sino pa e di ung Martial arts

master naming na si Sir. Macky!! Madali

windowtext"> lang

young exams( Map reading and military signs and symbols) Siyempre ang naging

HIGH_LIGHT nun cat ay ang mahiwagang sulat na ibinigay ni MiawMiaw!!


Pagkatapos ng CAT ay pinayagan ako ni Fr. Robert na lumabas at magliwaliw.

Kadate ko si Fr.JUN… ayos nga eh inilibre niya ako sa Mon Petit. Kami ay nagKape

at nagheart to heart talk. Makabuluhan ang aming pinagusapan, share share nang

nakaraan at cympre pinayuhan niya ako “Watch and Learn” Inihatid pa niya ako sa

aming bahay sa bulubunduking lugar ng Lourdes. Andoon si mama, papa at ang aking

kapatid at pamangkin. Binati nila ako at asusual ang mga gifts ay UTANG muna.

Kumuha lang ako ng family picture for Theotokos and eventually ay bumalik na ako

sa pacific.

And daming nag E-Mail sa akin at bumati ng happy BEER day at kung anoano pa. Ang

saya ko talaga dahil naalala nila ako kahit nasa loob ako ng seminary most of my

time. Para tuloy ayaw ko nang umalis sa pilipinas!!


Bumalik ako sa seminary at around 9:30 P.M.

Hindi ako makatulog sa dormitory, iniicip ko ang espesyal na araw na ito sa

aking buhay. Isa ito sa masasayang araw ng buhay ko subalit magpaganoon pa man

ay may kulang…


Ang taong inaasahan kong babati sa akin ay hindi nagparamdam. Siya ang taong

mahal na mahal ko….. hindi ko alam ang dahilan pero ang kutob ko ay may problema..

cguro ito na yoon!! Ito na ang malas sa Birthday ko ngayong ikaapat na taon ko

na sa seminaryo.



18 na si Marlie!

March 8, 1986

“ Sa mundo ang daming bawal lalo’t bata pa!

KAYA mo na TOL”

March 8,2004



0 Comments:

Post a Comment

<< Home